Saturday, July 11, 2009

Paglingon..Pagtingin.. Pagtanaw

By Erlinda Andal

PAGLINGON sa nakaraan,PAGTINGIN sa kasalukuyan,at PAGTANAW sa hinaharap

Habang binabasa ko ang palitan ng karanasan ng grupo nina Efren parang may nabuo sa aking isipan ang mas malalim na kahulugan ng pagkakasama sama ng Class '57.

PAGLINGON sa nakaraan

Sa ating mga kasayahan at pagsasama sama binabakas natin ang lumipas na panahon habang nasa PAARALANG MAPA.Ang kaayusan nito,ang mga silid aralan,ang mga tagpuan,ang mga activities na luminang sa ating mga kakayahan at kasanayan at higit sa lahat ang mga gurong nagpanday ng ating mga kaisipan.

Binabakas din natin ang mga karanasan sa buhay,ang hirap at ginhawang nadama natin sa panahon ng ating pag aaral,ang ating pagtahak sa landas ng TAGUMPAY.

Binabakas din natin ang mga babae at lalake na ating hinangaan at naging inspirasyon sa loob ng paaralan.Ang ibang love team ay nagkatuluyan habang ang iba naman ay hindi.

Noon partikular lang tayo sa ating kapangkat di natin alintana ang ibang seksyon.

Marahail marami pang maidurugtong dito.

PAGTINGIN sa kasalukuyan

Sa ating umpukan di maiiwasang magtanungan sa isa't isa.Ano tayo sa kasalukuyang panahon? Ano ang HATID TAGUMPAY ng paaralang nagpanday ng ating mga kakayahan?

Siempre may pinalad bunga ng talino,pagsisikap,at pagtitiyaga at mayroon din namang iba na di pinalad na maiangat ang buhay bunga ng iba't ibang kadahilanan.Nakaukit iyan sa ating kapalaran.

Marami pa rin tayong masasabi ukol dito.

PAGTANAW sa hinaharap

Ano ang bahaging ginagampanan natin sa kasalukuyan bilang paglingon sa paaralang ating pinagtapusan?Umiisip tayo ng ibat ibang paraan upang makatulong sa mga batang nagaaral sa kaalukuyan sapagkat TINATANAW natin ang tagumpay nila sa hinaharap.

Tinatanaw natin na sa kinabukasan ay higit na tagumpay ang kanilang makakamit.

Marami pa rin tayog masasabi ukol dito.

Ito lang ang mga bahagi ng kwentong buhay ng class'57 na nabuo sa aking isipan. Mga nilalang ng Panginoon na noong haiskul days ay di mgakakakilala ang nanggaling sa ibat ibang seksyon subalit itinadhana ng Poong Maykapal na magkasama sama sa isang dakilang layunin.

Maraming salamat sa pagbasa nyo itong ating kwento ng buhay.

Ang inyong lingkod,
Linda
June 24, 2009

1 comment:

Zack said...

Linda, I hope you don't mind me lifting this beautiful literary gem of yours from one of your emails and posting it in this blog. Zack